Latest News

Desisyon kung isasama.ang booster para ikunsiderang fully-vaccinated, ilalabas sa susunod na linggo — Duque

MAY posibilidad na malaman sa susunod na linggo ang desisyon kungbidadagdag ang booster shot para maikunsiderang fully vaccinated ang isang indibiduwal.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III pinag uusapan na Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).at mga vaccine expert ang naturang bagay.

“Hopefully by next week. Talaga naman kailangan ng booster, ang problema lang nating yung policy na isama siya sa completed vaccination,”ayon kay Duque.


Una nang inirekomenda ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na tawagin na fully vaccinated yung mga tumanggap.ng booster shot.

Naniniwala naman si Duque na papayagan ang rekomendaayin ni Concepcion.

“Malamang i-allow yan (new policy) kasi gusto natin na ang proteksyon na taglay ng bakuna ay mas mahaba, at mangyayari lang ito kung may booster,”giit ni Duque.
“Yun ang direksiyon na tinatahak ng Department of Health at sana yung experts ay magkaisa at suportahan itong polisya na ito.”

Ayon kay Duque, layunin ng hakbang na magpa booster shot ang mas maraming eligible individual.


Nalaman na 12 milyon lamang sa 44 milyon eligible indibiduwal ang nakapag pa booster shot. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read