DERMA, PRAYORIDAD NGAYON NG DOH SA BAKUNA

By: CARL CANLAS

Inihayag ng Department of Health (DOH) na prayoridad ang mga dermatologists na unang mabigyan ng bakuna laban sa mpox, sa sandaling dumating na ang mga ito sa bansa.


Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DOH Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo na, “nakikita namin this early na ang uunahin is ‘yung mga frontliners at ‘pag sinabing frontliners, ang pinag-uusapan natin ay ‘yung mga dermatologists.”

Ani Domingo, hindi maaaring mahawa ang mga dermatologists ng mpox dahil sila ang unang panangga laban sa nasabing sakit.

“When that time comes at meron na tayong makukuhang mpox vaccine, ang unang bibigyan natin is ‘yung mga humaharap sa pasyente na may mpox kasi hindi sila puwedeng mahawa dahil sila ‘yung unang panangga natin,” ayon pa kay Domingo.


Idinagdag nito na matapos naman ang mga frontliners, ang ‘key populations’ naman aniya ang susunod na tatanggap ng mga bakuna.

Bago niyan, matatandaan na una nang sinabi ni Domingo na nagpaabot na sila ng intensiyon sa World Health Organization (WHO) na mabigyan ng smallpox vaccines ang Pilipinas upang magamit na proteksiyon sa mpox.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like