Depressed na pasyente, tumalon sa 6th floor ng Ospital ng Sampaloc

PATAY ang isang 47-anyos pasyente na dumaranas umano ng depresyon matapos tumalon sa balkonahe ng ika-6 na palapag ng Ospital ng Sampaloc,kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Erwin Ricoplaza,taga 1520 Fajardo St.Sampaloc,Maynila , pagbagsak sa ikalawang palapag nang nabanggit na pagamutan.


Sa imbestigasyon ni PSSg Jay Irene Manalili ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas-10:15 ng gabi sa ika- 6 na palapag ng pagamutan.

Kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan na si Denmarie Gatchalian at naghihintay sa pagtaas ng elevator nang biglang tumakbo ang biktima sa balkonahe ng hospital.

Hinabol umano ang biktima ng security guard na si Jonathan Garduce at tinangkang pigilan ang biktima pero nahawi ang kamay ay nakasampa sa balkonahe at saka lumundag na nakataas pa ang braso.


Namatay noon din ang biktima dahil sa matinding pinsala ng katawan nito. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like