DEPED, UMAPELA NG HUSTISYA PARA SA 2 BINARIL NA GURO

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAPELA ang Department of Education (DepEd) sa kasundaluhan at kapulisan na mabigyan ng hustisya ang pamamaril sa dalawang guro na ikinasawi ng isa habang malubhang ikinasugat ng kasama nito sa Pikit North Cotabato.

Kasunod ito ng ginawang pagkondena ng mga opisyales ng DepEd at maging ng lokal na pamahalaan ng Cotabato sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek na responsable sa pamamaril sa mga guro noong nakalipas na linggo.

Kinilala ang mga guro na sina Joel Reformado at Elton John Lapinid, mula sa Barangay Silik, na binaril gamit ang kalibre 45 pistola habang patungo sa Barangay Poblacion.


Itinuturing naman ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na karumal-dumal ang ginawang pamamaril sa mga itinuturing na pangalawang magulang ng mga kabataang mag- aaral.

Sa pahayag ng DepEd Cotabato Division, nakikiisa sila sa pagdadalamhati ng mga pamilya, kamag-anak, kapwa guro at mga kaibigan ng mga biktima.

Kasalukuyang kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga responsable sa krimen kasabay ng pagtukoy sa motibo sa pamamaril.

Kahapon ay pinulong ng militar at mga pulis ang mga guro kasama ng kani-kanilang mga punong- guro kung saan pinag-usapan ang mga hakbang upang bigyan sila ng seguridad papunta sa kani-kanilang paaralan.


Tags: Department of Education (DepEd)

You May Also Like

Most Read