AYON sa Department of Education (DepEd), inaasahan nilang sa Agosto 22, 2022 ang pagbubukas ng School Year 2022-2023, sa pamamagitan ng blended learning.
Pinakita ni Deped Undersecretary Diosdado San Antonio ngayong Martes sa press conference ang kanilang minungkahing school calendar.
Ayon sa DepEd, mayroong 11 na linggo kada quarter ng school year.
Ang unang quarter ay mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4, 2022, ang ikalawang quarter ay mula Nobyembre 7, 2022 hanggang Pebrero 3, 2023, ang ikatlong quarter ay mula Pebrero 13 hanggang Abril 28, 2023, at ang ikaapat na quarter ay mula Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.
Ang unang markahan ay mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4, 2022, ang ikalawang markahan ay mula Nobyembre 7, 2022 hanggang Pebrero 3, 2023, ang ikatlong markahan ay mula Pebrero 13 hanggang Abril 28, 2023, at ang ikaapat na markahan ay mula Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.














