Latest News

DepEd: Enrollees para sa SY 2023-2024, nadagdagan pa, nasa 26.8-M na

By: Carl Angelo

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na nadagdagan pa at umaabot na sa 26.8 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala para sa School Year 2023-2024.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2023-2024, nabatid na hanggang alas-2 ng hapon ng Setyembre 14, 2023, ay umaabot na sa 26,854,731 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nagparehistro para sa bagong taong panuruan.

Kabilang dito ang mga mag-aaral na nagpatala sa public at private schools, gayundin sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).

Pnakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,909,428; Region III (National Capital Region) na may 2,955,094 enrollees at National Capital Region (NCR) na may 2,766,467 enrollees.

Samantala, ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala ng 328,515 mag-aaral.

Ang SY 2023-2024 ay nagbukas na noong Agosto 29, 2023.

Tiniyak naman ng DepEd na patuloy silang tatanggap ng enrollees hanggang sa katapusan ng Setyembre, upang matiyak na lahat ng batang nais mag-aral ay makakapasok sa mga paaralan.

Tags:

You May Also Like

Most Read