Latest News

DepEd employee huli sa shabu

INARESTO ang isang babae na empleyado ng Department of Education (DepEd) sa Kawayan, Biliran nitong Lunes.

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Maria Umpacan, 54, isang non-teaching personnel ng DepEd na may posisyong administrative assistant II.

Nakuha umano sa suspek ang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P500.


Nang kapkapan ang suspek ay nakita pa ang isa pang pakete ng shabu na may street value na P3,500.

Tinanggi naman ni Umpacan na sa kanya ang nakuhang iligal na droga.

Si Umpacan ay nakadetine na sa Kawayan police station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.


Tags:

You May Also Like

Most Read