Itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Officer- in- Charge ng Bureau of Immigration (BI) si Deputy Commissioner Anthony Viado bilang kapalit ng dating Commissioner Norman Tansingco.
Ayon sa ipinalabas na Department Order 628 ng DOJ na may lagda ni Remulla, epektibo kahapon, Setyembre 10, ang pagigiing OIC ni Viado at ito ay mananatili sa nasabing puwesto hanggang hindi naitatalaga ang appointment ng bagong Commissioner ng BI.
Sinabi ni Remulla na ang pagkakasibak kay Tansingco ay may kinalaman sa paatakas ng pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Aniya, nabigo umano si Tansingco na ipaalam kaagad ang pagtakas ni Guo, gayung alam na niya na nakalipas na ito ng bansa, bukod pa umano sa maraming problema sa BI ang hindi naaksyunan ni Tansingco, gaya ng pag-iisyu ng mga working visa sa mga fake companies.
Nawalan na umano ng tiwala si Remulla sa kakayahan ni Tansingco kung kaya’t pinalitan niya ito.