Latest News

DENNIS PADILLA MAY THROWBACK PHOTO NOONG BABY PA SI JULIA BARRETTO

NI BETH GELENA

BINATI ni Dennis Padilla ng happy birthday ang anak na si Julia Barretto.

Sa Instagram post ni Dennis, isang throwback photo ang inupload ng comedian actor kung saan karga niya si Julia noong baby pa ito.


Nilagyan niya ito ng caption: “Dearest Juy… A picture in my wallet for 26 years and counting… Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you – Papa,” at saka tinag si Julia.

Kasalukuyan pa ring nasa bakasyon ang aktres sa Europe kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa Instagram stories ng anak ni Marjorie Barretto, after nilang bumisita sa France ay nasa Denmark naman sila.

Ang tanong, sagutin kaya ni Julia ang birthday message ng ama o dededmahin niya?


Last September, nagpa-interview si Dennis at doon ay may nasabi siya tungkol sa anak.

Ayon naman kay Julia , she is still not ready yet to forgive her father dahil sa “so much pain over the years.”

Kaya ang reaction naman ni Dennis sa pahayag ng anak: “Ano pa gusto n’yo?”


Tags: ,

You May Also Like

Most Read