Dengue, sumisirit

Umaabot na sa mahigit 92,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Hulyo 23, 2022.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay 118% na mataas kumpara sa kaso sa kaparehas na panahon noong 2021.

Nabatid sa DOH National Dengue Data na nakapagtala ng 42,294 kaso ng dengue mula noong Enero 1 hanggang Hulyo 23,2021.


Ayon sa DOH, karamihan ng kaso ng dengue ngayong taon ay 17% o 15,951 ang naitala sa Central Luzon.

Sinundan ito ng Central Visayas na may 9,429 (10%) at National Capital Region (NCR) na may 7,962 (9%).

Nabatid na mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23 ay nakapagtala ang bansa ng 21,566 kaao ng dengue

Sa naturang bilang, 24% o 5,186 ay naitala sa Central Luzon na sinundan ng NCR na may 2,374 kaso at Calabarzon na may 2,178 o10%.


Sinabi ng DOH na siyam sa 17 rehiyon ay nalagpasan na ang epidemic threshold sa loob ng nakalipas na 4 na linggo.

Nalaman na may 344 katao ang nasawi o 0.4%.

Una nang sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na nakakaalarma na ang pagsirit ng kaso ng dengue.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read