Umakyat na sa 179,444 ang naitalang kaso ng dengue hanggang nitong Nobyembre 11,2023 samantalang nasa 614 indibiduwal na ang nasawi.
Sa kabila nang nasa ‘ slow downward trend’ at nagpakita ng 10.6% pagbaba sa nakalipas na 3-4 na linggo nagsasagawa ng masusing monitoring ang Department of Health (DOH)., posible na tumaas ang kaso dahil sa mga late reports.
Walang rehiyon sa bansa ang nagpakita ng patuloy na uptrend sa nakalipas na anim na linggo at maging oagtaas ng kaso nitong huling 2 linggo
Gayunman, ang Region 2,5 at 7 ay kinakitaan ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na 3-4 Linggo na nakapagtala ng 1,014 bagong kaso.
Muling hinikayat ng DOH ang publiko na sundin ang 5S para malabanan ang dengue sa kanilang lugar.














