Dengue, nasa 72k na

By: Philip Reyes

Umabot na sa mahigit 70,000,ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga kaso ng dengue sa bansa mula Enero1, hanggang Hunyo 17,2023 sa bansa.

Base sa inilabas na datos ng DOH-Epidemiology Bureau
,ang 72,333 naitalang kasonay mas mataas ng 14% sa naitalang kaso sa kaparehas na panahon noong 2022.


Sa naturang bilang, 249 ang nasawi , pero ito ay mas mababa kumpara sa 287 na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Nalaman ,pinaka-marami sa mga kaso ng dengue ay nakita sa National Capital Region (NCR)na nasa 8,470 kaso.

Sinundan ito ng Region 11 ( Davao Region) na mayroong 7,689 dengue cases; at Region 4A ( CALABARZON) , 7,534 na mga kaso.


Binalaan ng DOH ang publiko na ang dengue ay hindi lamang nakukuha sa panahon ng tag-ulan kundi maging sa panahon ng tag-init.

Hinimok ng DOH,ang publiko na tiyakin na.malinis ang kapaligiran at walang pinamumugaran ng lamok at sa sandaling makaramdam ng sintomas ay kaagad na magpakonsulta sa doktor.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like