Umakyat sa 145,341 ,ang kaso ng dengue sa bansa hanggang nitong Agosto 27 o 105% na mas mataas sa kaso sa kaparehas na panahon noong 2021.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH),naitala ang karagdagang 16,995 kaso kung saan 3,512 ang naitala noong Agosto 21 hanggang 27.
Karamihan umano ng kaso ay nanggaling sa National Capital Region, Calabarzon at Cagayan Valley.
Nabatid sa DOH na nakapagtala lamang ang ahensiya ng 52,697 kaso ng dengue sa kaparehas na panahon noong 2021
Gayundin, may naitalang 39 bagong nasawi,dahilan para umabot ang bilang ng nasawi sa 461 mula Enero hanggang Agosto1 hanggabg Agosto 21 na mas mataas sa 181 naitalang nasawi sa kaparehas na panahon noong 2021.
Kaugnay nito,sinabi ni Health officer-in-charge Ma. Rosario Vergeiresa ginanap na pagpupulong noong nakalipas na taon sa mga mambabatas na kailangang magpatupad ng maigting na surveillance sa tulong ng ibang sektorpara sa pagsugpo sa dengue.
Ayon kay Vergeire,tumataas din ang trend ng iba pang sakit gaya ng leptospirosis at gastroenteritis. (Philip Reyes)