DENGUE CASES, UMAKYAT SA 136,161

By: Philip Reyes

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na ang bansa ng may 136,161 kaso ng dengue hanggang nitong Agosto 3, 2014 (Morbidity Week 31) na mas mataas ng 33% sa naitalang 102,374 kaso sa kaparehas na panahon noong 2023.

Sa kabila niyan ay sinabi ng DOH na mas kaunti ang naitalang bilang ng nasawi sa kabila ng mataas na kaso ng dengue na naitala.


Napag-alaman na nakapagtala na ng 364 bilang ng nasawi ngayong 2024 kumpara sa 401 na naitalang nasawi noong 2023.

Isa umano itong indikasyon na maraming tao ang nagpapa-konsulta nang mas maaga at ng maayos na ‘case management’ ng mga hospital.

Muling hinikayat ng DOH ang publiko na patuloy na sundin ang “4S strategy” laban sa dengue dahil nasa “up trend” ang bilang ng kaso nito.


Sinabi ng DOH na alinsunod sa batas, ang deklarasyon ng local disease outbreaks ay manggagaling mula sa provincial, city o municipal authorities.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like