Pumalo na sa mahigit 90,000 ang bilang ng mga indibidwal na naitala ng Department of Health (DOH) na dinapuan ng sakit na dengue sa bansa.
Ayon sa inilabas na datos ng DOH, simula Enero 1 hanggang Hunyo 29, 2024, nakapagtala na sila ng 90,119 kaso ng dengue sa bansa, na 19% na mas mataas kumpara sa 75,968 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Gayundi, nakapagtala ang DOH ng 233 dengue deaths na bahagya namang mas mababa kumpara sa 291 na naitalang dengue deaths noong nakaraang taon.
Sinabi ng DOH na ang pagtaas ng dengue cases ay bunsod ng mga pag-ulan na nararanasan sa bansa.
Iniulat din ng DOH na pitong rehiyon sa bansa ang nakitaan nila ng pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nakalipas na anim na linggo, bago ang Hunyo 29, kabilang na ang MIMAROPA, Cagayan Valley, Western Visayas, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, at National Capital Region.
Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na maging mag-ingat laban sa dengue at gamitin ang kanilang 4S strategy upang labanan ang sakit.
Ito ay ang ‘Search and Destroy mosquito breeding grounds by eliminating stagnant water and their containers; self-protection measures like insect repellent and wearing long-sleeved shirts and long pants; seek early consultation with a doctor or health worker for any symptoms; at support fogging or spraying in a local hotspot or outbreak areas where an increase in cases is registered.’