Itinataya ng Department of Health (DOH) na posibleng umabot sa 200,000 ang mga kaso ng dengue sa bansa ngayon 2022.
Gayundin ang 500 hanggang 1,000 naman ang tinatayang mamamatay kung hindi masusunod ang mga istratehiya kontra sa sakit, ayon sa isang infectious disease specialist.
Ayon ss datos ng DOH ,nasa Dengue cases in Central Visayas breach 8,000; 52 dead
Sa datos mula sa DOH, nasa 64,797 na ang mga naitalang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, mas mataas ng 90 porsyento kumpara sa 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.
“Tinataya natin na ’pag hindi natin nagawa lahat ito eh baka bago matapos ang taon, baka umabot sa 200,000 libo na naman ‘yung kaso natin ng dengue. At kung .5 percent ang mamamatay doon, eh mga 500 din ‘yan hanggang 1,000. Malaki-laki ’yan,” ayon kay epidemiologist at infectious disease specialist Dr. Eric Tayag.
Sinabi ni Tayag, umabot na sa 274 ang namatay sa dengue ngayong taon.
Nasa 20 porsyento ng tinatamaan ng dengue ay mga bata, edad 5 hanggang 9, ayon kay Tayag.
Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na sundin ang 4S strategy laban sa Dengue.
Isinusulong ng DOH ang 4S strategy kontra dengue na search and destroy, self protection measure,s onsultation at supppro fogging /spraying sa mga hot spot area. (Philip Reyes)














