DELIVERY RIDER, PINAGBABARIL SA BASECO, PATAY

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang Grab delivery rider matapos barilin ng tatlong suspek habang naglalakad kahapon ng madaling araw sa Block 5 Extension , Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ang biktima ay klinilala ni PSSg Charles Benzon De la Torre, imbestigador ng Manila Police District -homicide section na si Ronnie Apalis, 40, ng No.1451 Antipolo St. Sampaloc, Maynila.

Namatay ito noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.


Nangyari ang pamamaril sa biktima alas -3:50 ng madaling araw habang naglalakad ito sa lugar.

Sinabi ng saksi na nakita umano niya na naglalakad ang biktima nang sumulpot sa kanyang likuran ang tatlong suspek at saka ito pinagbabaril, na nagresulta sa kanyang dagliang kamatayan.

Dinala ang bangkay sa punerarya para sa awtopsiya at safekeeping.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read