Latest News

Delivery rider, patay nang maagawan ng baril ng suspek na babarilin sana niya

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang delivery rider nang barilin ito ng laborer na babarilin umano sana niya subalit naagawan siya nito ng baril, sa Port Area, Manila Lunes ng gabi.

Si Jeffrey Satol, 42, delivery rider, ay namatay noon din matapos na mabaril ni Macmod Saban, 28, laborer. Kapwa sila residente ng Baseco Compound, sa Port Area.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 9 sa Baseco Compound, sa Port Area.


Naglalakad umano si Saban sa naturang lugar nang bigla na lang siyang lapitan ni Satol at sa di pa malamang kadahilanan ay bigla na lang umanong nagbunot ng baril si Satol at itinutok ito kay Saban.

Nagawa umano ni Saban na agawin ang baril mula kay Satol at kaagad na ipinutok dito nang makailang ulit.

Si Satol ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang tumakas si Saban.

Kalaunan ay naaresto rin ng mga tauhan ng Baseco Police Station sa isinagawang follow-up operation si Saban na ipaghaharap ng kaukulang kaso.


Tags: Manila Police District (MPD)-Homicide Section

You May Also Like

Most Read