DELIVERY RIDER, NATAGPUANG PATAY SA MOTEL

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang delivery rider habang nakacheck-in sa isang motel Lunes ng madaling araw sa Sta. Mesa,Maynila.

Kinilala ni PMSg Irene Jay Manalili, imbestigador ng Manila Police District -homicide section,ang biktimang si Boy, 37, ng Krus na Ligas, Quezon City .


Sa impormasyong nakuha sa kasama nito, alas- 4:30 ng madaling araw nang mapansin niya na matigas na ang biktima kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa staff ng Queensland Lodge na matatagpuan sa Sta.Mesa, na siya namang tumawag sa MPD.

Walang saplot sa buong katawan nang abutan ng mga pulis ang biktima .

Napag-alamang alas-10 ng gabi nang mag check-in ang biktima at kasama nito sa nabanggit na motel.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like