Delivery rider at street sweeper, nagbigti

WALA nang buhay nang makita ang isang delivery rider at street sweeper na kapwa nagbigti dahil sa problema sa pamilya at dinaranas na depresyon,kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Unang nagbigti ang biktimang si Rommel Colocado,41,street sweeper at taga 1012 Miguelin St.Sampaloc,Maynila na umano’y dumaranas ng severe depression noon pang Nobyembre 2021, dakong alas 11 ng umaga.


Habang si Erish Nicodemus , 27,may ka live in at residente ng 2453 Raduim St.Brgy 775 San Andres Bukid ay nakitang nakabigti alas 4 ng hapon sa loob ng kanyang kuwarto dahil umano sa problema sa pamilya.

Sa imbestigasyon ni Jon Teody Siguen,ng Manila Police District -homicide section ,huling nakitang buhay si Colocado ng kanyang kapatid na si Janice alas 9 ng umaga habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

Ilang oras ang nakalipas ay may narinig na malakas na kalabog ang anak ng biktima na si Nicole at nang tingnan ay nakita ang kanyang ama na nakabigti.


Samantala, nagtangka na umanong magpakamatay si Nicodemus,may 3 buwan na ang nakakalipas dahil sa problema sa pamilya.

Huli itong nakitang buhay na nakikipag inuman sa kanyang mga kaibigan at nang malagihay na ay tumayo sa inuman at umuwi na sa kanyang bahay.


Dito na isinagawa ni Nicodemus ang pagpapakamatay gamit ang bed sheet na ipinulupot sa kanyang leeg at saka itinali sa kisame. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like