Delivery ride, Grab driver at dalawang babae, arestado sa droga sa Baseco

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 13 ang apat na indibiduwal kabilang ang isang delivery rider, grab driver at dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Blk.7, Baseco Compound, Brgy.649, Port Area at sa Railroad Drive corner 25th Street, Brgy.653, Port Area, Maynila.

Kabilang sa mga inaresto nilna PMaj Armando Linget ng MPD-PS 13 ang mga suspek na sina Eugenie Kayca alyas Matet, 40; Shaina Panda, 36; kapwa taga- Baseco Compound, Brgy.649, Port Area, Maynila; Jomar Montes, delivery rider,29 ,ng No; 23 Maguindanao, New Lower Bicutan, Taguig CIty at Abner Mangatog Grab driver at residente ng D-05 Tawi-Tawi St., Maharlika Village, Taguig City.


Una umanong naaresto ang dalawang babae alas-3:50 ng madaling araw at itinuro ang mga kasabwat nila na naaresto rin sa isinagawang follow- up operation alas-4:40 ng madaling araw din.

Nakumpiska sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ,ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District - Police Station 13

You May Also Like