Isang delivery boy ang natagpuang patay ng ex-girlfriend nito habang nakabigti kamakalawa ng umaga sa kusina ng inuupahan nitong bahay sa Old Torres , Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Teody Siguen ng Manila Police District -homicide section, alas- 8:30 ng umaga nang makitang nakabigti ang biktimang si Royen, 29, ng No. 713 1st St. Old Torres, Tondo Maynila ng kanyang ex- girlfriend na si Maria Lorena, 38, office staff at nakatira rin sa nabanggit na bahay.
Huli umanong nakita ni Rosales na buhay ang biktima dakong alas- 8 ng umaga habang nakahiga sa kanyang kama, nang papunta siya sa banyo para maligo.
Laking gulat ni Rosales nang makita na lamang na nakabigti na ang biktima gamit ang tali ng aso, kaya kaagad na humingi ito ng tulong sa kanyang kapatid na si Romeo na kasama rin nila sa bahay at dinala ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) pero idineklarang dead- on -arrival.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa paghihiwalay nila ng kasintahan ang motibo ng pagpapakamatay ng biktima.














