Delivery boy, dinakip sa paggahasa ng 17-anyos pamangkin

By: Arsenio Tan

Sa kulungan bumagsak ang isang 26- anyos na delivery boy na diumano ay paulit -ulit na gumahasa sa kanyang 17- anyos na pamangkin mula noong Pebrero, 2023 sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasa kustodiya ng Alvarez Police Community Precint, ang suspek na si Gerald Saquine, alyas Seryo at taga 1139 H Anacleto St., Brgy 335, Sta. Cruz, Maynila.


Napag-alaman lamang na pinagsasamantalahan ng suspek ang biktimang si Eva, Grade 8 student, matapos nitong sumulat sa kanyang guro na babalik na siya sa Ilocos Sur dahil paulit-ulit ang panggagahasa sa kanya ng tiyuhin.

Nang mabasa ang liham ng estudyante ay kaagad na dinala ng guro ang biktima sa Manila Social Welfare Department na siyang tumulong para maaresto ang suspek.

Huling pinagsamantalahan ng suspek ang biktima noong Mayo 7 nang pumasok ito sa kanyang kuwarto at sapilitan siyang ginahasa.


Samantala, sinampahan ng kasong Rape in relation to RA 7610 sa Manila Prosecutors Office ang suspek.


Tags: Alvarez Police Community Precint

You May Also Like

Most Read