INAASAHAN na magkakaroon ng higit na mas magandang defense cooperation ang Pilipinas at Saudi Arabia.
Ito ay matapos na mag-usap sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at Saudi Arabian Ambassador to the Philippines His Excellency Adnan Alonto.
Nabatid kay Col Jorry Baclor, Public Information Office chief ng AFP na nag courtesy call ang ambassador kay AFP chief kahapon sa Camp Aguinaldo.
Dito ay tinalakay ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagkakaroon ng defense cooperation agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang dito ang posibilidad na pagtatalaga ng Defense and Armed Forces Attache´ sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Ang Saudi Arabia ang tradisyonal na pangunahing destinasyon ng libo-libong Overseas Filipino Workers . (VICTOR BALDEMOR)