“Defend every square inch of the country’s territory” ang isa sa mga agenda na tinalakay sa ginanap na 1st DND-AFP Command Conference sa AFP General Headquarters sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.
Pinangunahan nina Department of National Defense Officer-in-Charge Senior Undersecretary Jose C. Faustino, Jr. at Armed Forces Chief of Staff Gen. Andres C. Centino ang ginanap command conference .
Nabatid na kabilang sa mga agenda na tinalakay ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos hinggil sa soberanya at maritime territory ng Pilipinas.
Inilatag ni Faustino sa top brass ng AFP ang direktiba ng Pangulo at Commander-in-Chief Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipagtanggol ang “bawat square inch ng teritoryo ng bansa.”
Sa impormasyong ibinahagi ng Philippine Army hinggil sa nasabing pagpupulong na dinaluhan din ni Army Commanding General Romeo Brawner ay inilatag ni DND OIC Faustino ang kanyang mga priyoridad tulad ng pagtatanggol sa integridad ng teritoryo ng bansa, pagprotekta sa mamamayang Pilipino, at pagtiyak ng soberanya ng estado.
Nangako rin ang incoming Defense Secretary na titiyakin tuloy tuloy na pagpapatupad ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program na papasok na ngayon sa ‘third horrison’.
Si Faustino, na ang karera sa militar ay tumagal ng 38 taon, ay nagsilbi bilang ika-56 na AFP Chief of Staff mula Hulyo 31, 2021 hanggang Nob. 12, 2021. Nagsilbi rin siya bilang dating acting Commanding General, Philippine Army sa parehong taon. (VICTOR BALDEMOR)














