DECOMMISSIONING SA MGA DATING MILF COMBATANT, NAKALATAG NA

By: Victor Baldemor Ruiz

TINIYAK ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr. na magiging maayos at mapayapa ang nakatakdang pagdidisarma sa mga dating armadong tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay OPAPRU Secretary Carlito Galvez, may nakalatag na konkretong plano na ang pamahalaan hinggil sa isasagawang decommissioning ng mga MILF combatants.


Paliwanag ng kalihim na may isang independent decommissioning body ang nilikha para matiyak na magkakaroon ng antas ng tiwala at kumpiyansa sa proseso ang mga dating mandirigma.

Layunin din umano nito na pabilisin pa ang proseso ng decommissioning sa pamamagitan ng Independent Decommissioning Body.

Sinabi pa ng kalihim na sa sistemang gagamitin ng itinatag ng Independent Decommissioning Body ay matitiyak ang integridad sa proseso at mapadali ang maayos na paglipat ng mga mandirigma mula sa kanilang pagkakakilanlang gerilya patungo sa kanilang paglipat sa buhay-sibilyan.


Paliwanag nya, pinabibilis ng OPAPRU ang prosesong ito nang madalian dahil ang unang regular na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections ay wala pang dalawang taon.

Bukod dito ay sinabi rin na ang decommissioning na nasa ilalim ng Normalization Track ay nagsasangkot ng “whole-of-government, whole-of-society” approach, na pinamumunuan ng OPAPRU sa pakikipagtulungan sa mga concerned line agencies.


Samantala, kaugnay nito ay ipinunto rin ni Galvez na ang decommissioning ay isinasagawa kasabay ng mga programa ng gobyerno sa small arms and light weapons (SALW) at ang disbandment ng private armed groups (DPAGs).


Tags: Jr., Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez

You May Also Like