Debt-to-GDP ratio, bababa sa 51.2% pagbaba ni PFMJ

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maaring bumaba sa 51.2% ang debt-to-GDP ratio ng bansa sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

Gayundin, itinaya ni Marcos na bababa ang debt-to-GDP ratio na mababa sa international threshold na 60% sa 2025.


Sa pagsasalita ni Marcos sa New York Stock Exchange, sinabi nito na patuloy na bababa ang cost of public debt, partikular na ngayon na bumabalik na sa normal ang ekonomiya.

“Although our borrowings substantially increased during the pandemic, we continue to reduce the cost of our public debt through judicious debt management,” ani Marcos. “We will reduce the government debt-to-GDP ratio to below 60% by 2025 and further down to 51.2% by the end of my term in 2028.”

Ang pagbaba ng debt-to-GDP ratio ay kumakatawan sa maayos na produksyon ng ‘enough economic output ‘sa pagbabayad ng utang.


Ayon sa figures ng Bureau of Treasury, ang outstanding debt ng bansa ay 62.1% noong Hunyo.

Ang rate ay mababa sa record na 63.5% debt-to-GDP ratio sa unang quarter na pinakamataas mula noong 2005.


Nitong katapusan ng Hulyo,unang buwan ng administrasyong Marcos, nasa P12.89 trilyon ang kabuuang utang ng bansa.

Ito ay kumakatawan sa pagtaas ng P96.09 bilyon o 0.8% mataas sa dating P12.79 trilyon itinakda ng administrasyon Duterte noong Hunyo at nagkaroon pa ng 11% pagtataas sa kaparehas na buwan noong 2021. (Jantzen Tan)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like