Latest News

Deboto, dumagsa sa mga Simbahan

DUMAGSA sa simbahan ang mga mananampalataya sa pagsisimula ng selebrasyon ng “Palm Sunday”, hudyat ng pag-uumpisa ng Semana Santa.

Ang pagdiriwang ng Palm Sunday o Linggo ng Palaspas ay tulad ng pagsalubong kay Hesukristo sa pagpasok niya sa Jerusalem.

Nabatid na sa Maynila, dinagsa rin ng mga mananampalataya sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo para sa mga Misa.


Mahigpit naman ipinatuoad ang health at safety protocols tulad ng “one seat apart” at pagsusuot ng face mask para maiwasan ang hawahan pa ng COVID-19 na nananatili pa rin sa bansa.

Kaugnay nito, alas-4 ng madaling araw nagsagawa ng concelebrated mass sa Quinta Market habang tatakbo naman ang morning Mass sa simbahan alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng umaga at may mga Misa rin mula alas-12:15 ng tanghali hanggang alas-7 ng gabi.


Kaugnay nito,hinimok naman ng Caritas Philippines na suportahan ang Alay Kapwa program ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para matulungan ang daan-libong mahihirap na pamilya sa kanilang iba’t ibang programang pang-komunidad.

Nalaman na kapag Linggo ng Palaspas, lahat ng ikalawang koleksyon sa mga misa sa buong bansa ay iipunin para sa Alay Kapwa program ng diyoseses at ng Caritas.


Nabatid na noong 2021,umabot sa P114 milyon donasyon ang naibigay ng Simbahan sa mga biktima ng bagyong Odette ng 11 diyoseses. (JAYMEL MANUEL)

Tags: Minor Basilica of the Black Nazarene

You May Also Like

Most Read