UMAKYAT na sa 16 ang reported death sa Davao Region bunsod ng mga pagguho at pagbaha sanhi ng malakas na pag-ulan sa Mindanao, ayon sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo.
Ang pinakahuling datos na ibinahagi ng NDRRMC pawang mula sa rehiyon ng Davao ang ang lahat ng 16 na naiulat na mga nasawi . bukod pa sa tatlong katao na dineklarang missing habang may 11 naman ang sugatan.
May kabuuang 772,276 katao o 204,840 pamilya sa 508 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at BARMM ang naapektuhan ng mga pag-ulan na dala ng Northeast Monsoon (Amihan) at ng isang low-pressure area ngayon.
Sa bilang na ito, 91,079 indibidwal, o 24,212 pamilya, ang inilipat sa 341 evacuation centers; habang 318,365 indibidwal, o 94,595 pamilya, ang humingi ng pansamantalang tirahan sa ibang lugar.
Sa imprastraktura, hanggang kahapon ay may 97 kalsada at 14 na tulay sa Davao at Caraga Regions ang nanatiling not passable.
Samantala nasa P2,610,000 halaga ng pinsala sa 26 istraktura dalawang rehiyong ito. Apatnapu’t pitong bahay din ang lubos na nasira, at 44 ang bahagyang nasira.














