Latest News

DEATH TOLL NG LPA, 33 NA; 7 MISSING

Sinasabing malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Visayas at Mindanao.

Ito ay matapos na umakyat kahapon sa bilang na 33 ang reported death sanhi ng mga low pressure area, northeast monsoon, at shearline mula noong Enero 1, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Base sa pinakahuling datos mula sa NDRRMC, hindi bababa sa pito ang naiulat na nawawala habang 12 ang inulat na nasugatan dahil sa epekto ng masamang panahon.

Ayon sa ulat ng ahensya, 11 sa mga naiulat na namatay ay nasa Zamboanga, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas, lima sa Bicol, at tig-isa sa Davao at Soccsksargen.

Subalit sa kasalukuyan ay 18 pa lamang sa mga naiulat na nasawi ang nakumpirma habang kasalukuyang bina-validate pa ang ibang reported dead .


Nananatiling lubog sa baha ang may 240 na mga lugar sa Region 3, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9 at BARMM.

Nasa 1,672 na bahay ang iniulat na nasira – 1,145 ang partially damaged at 527 ang totall- damaged.


Habang ang naitalang danyos kahapon ng NDRRMC sa agrikultura ay umaabot na sa P414,347,212 habang ang halaga ng nasira sa imprastraktura ay nasa P206,956,824.

Nag-ulat din ang National Irrigation Administration ng mahigit P25.6 million halaga ng pinsala.


Ayon pa sa ahensya, mahigit P86.8 Million na ang naibigay na tulong sa mga biktimang nasalanta. Habang nasa 59 na siyudad at munisipalidad ang nagdeklarang under state of emergency bunsod ng nararanasang sama ng panahon

Nag-ulat din ang National Irrigation Administration ng P25,610,000 halaga ng pinsala.

Kaugnay niyan, ilang sa mga idineklara ang state of calamity ang bayan ng San Miguel at Santa Fe sa Leyte; ang buong lalawigan ng Silangang Samar; Gandara, Basey, San Jorge, at Calbayog sa Samar; Laoang sa Northern Samar; Sirawai sa Zamboanga del Norte; at Tubod sa Lanao del Norte. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

You May Also Like