Nalagpasan na ng Pilipinas ang 66,000 naitalang bilang ng nasawi sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang nitong Pebrero 21 ay nasa 66,039 na ang bilang ng mga pasyenteng nasawi sa COVID-19 mula nang magsmnula ang pandemya noong 2020.
Ayon sa DOH,ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi na nasa 2,672 na sinundan ng Cebu 2,612; Bulacan, 2,207;Cagayan. 2,047 at Manila, 1,925.
Naitala sa Pilipinas ang unang kaso ng pagkamatay sa labas ng China noong Pebrero, 2020 kung saan isa itong 44 anyos na lalaki na dumating mula sa Wuhan,China, habang isang 67- anyos na babae sa Manila naman ang unang lokal na nasawi dahil sa coronavirus.
Huling naitala sa bansa ang 895 bagong kaso ng COVID-19 kung saan 74 ang nasawi nitong nakalipas na linggo.
Hanggang nitong Pebrero 20, may 9,211 pa ang aktibong kaso at nasa.mahigit apat na milyon na ang dinapuan ng virus sa bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, nasa 73.8 milyon na ang nakatanggap ng 1st at 2nd dose , 21.5 milyon naman ang tumanggap ng unang booster at 3.9 milyon naman ang tumanggap ng ikalawang booster.