Latest News

DEATH TOLL KAY ‘AGATON’, UMABOT SA 224

UMABOT na sa 224 ang bilang ng mga nasawi sa ginawang pananalasa ng bagyong ‘Agaton’ sa Visayas at Mindanao matapos na madagdagan ng 46 ang mga bangkay na nakuha ng ibat ibang search and retrieval team.

Ang region 8 ang may pinakamalaking bilang ng nasawi na umaabot na ngayon sa 202, habang sa Region 6 ay may naitalang 17; sa region 7 ay may reported na dalawang patay


Sa inilabas na update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) kahapon, may 147 pa ang nawawala dahil sa nagdaang kalamidad.

Lumalabas din sa ulat na region 8 ang may pinakamaraming bilang ng reported missing na umaabot sa 140.

Mahigit isang linggo ay umabot sa kabuuang 599, 956 pamilya o higit dalawang milyong indibiduwal ang naapektuhan sa siyam na rehiyon.


May 175, 794 indibidwal ang hindi pa nakaka-uwi at higit kalahati ang nananatili sa 447 evacuation centers.

Sa 11,729 bahay na napinsala, 10, 519 ang maaari pang maayos at ang natitirang 760 ay itinuturing na ‘totally damaged.’


Samantala, sa 76 lungsod at bayan na nasalanta, 12 pa lamang ang naibalik na ang suplay ng kuryente at hindi pa naibabalik naman ang suplay ng tubig sa tatlong lungsod at bayan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Agaton

You May Also Like

Most Read