Latest News

DEATH PENALTY SA BIGTIME DRUG DISTRIBUTORS

NANINIWALA si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao na panahon na para ibalik ang parusang kamatayan para sa mga sa bigtime drug traffickers at distributors.

Ginawa ni LtGen. Danao ang pahayag kasunod ng paghahain muli ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng panukalang pagbabalik ng death penalty sa mga bigtime drug traffickers at plunderers.


Sa pananaw ng heneral, matagal na dapat ibinalik ang death penalty para sa mga convicted drug trafficker na posibleng maging deterrent umano sa mga bigtime drug syndicate na responsable sa pag-aangkat at pagpupuslit ng droga sa bansa

“We welcome that development. Unang una alam naman natin kung ano talaga yung illegal effects ng ilegal na droga sa pangangatawan ng tao, especially for those who are drug dealers who were caught with so many kilos of illegal drugs, I think it’s high time to really bring back death penalty lalong lalo na sa aspeto na yan sa iligal na droga,” ani Danao.

Nilinaw naman ni Sen. Dela Rosa na limitado lamang sa bigtime drug traffickers ang mga nais niyang maparusahan ng kamatayan.


Paliwanag niya, ito ay upang hindi masabi na ‘anti-poor’ ang kanyang panukala. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Lt. Gen. Vicente Danao

You May Also Like

Most Read