Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na umaabot na sa 5.2 milyon ang bilang ng mga botante na ipina-deactivate nito para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa kabuuan nang 5,216,625 ang deactivated voters hanggang nitong Agosto 2, habang nasa 487,721 botante naman ang tuluyan nang inalis sa voter’s list.
Napaga-alaman na karamihan sa mga dineactivate na botante ay nabigong bumoto sa dalawang magkasunod na halalan.
Ang iba namang rason ay ang pagkawala ng kanilang Filipino citizenship at iba pa.
Karamihan umano sa mga tinanggal sa listahan ay yaong nakumpirmang namatay na at mayroong double o multiple registration.
Samantala, nilinaw naman ng Comelec na maaari pa ring mag-apply ang mga deactivated voters ng reactivation bago ang 2025 midterm elections.