Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 at 256 ,ang “extremely urgent motion”na isinampa ng US Congressional delegation para mabisita si dating Senator Leila de Lima.
Nabatid na binisita ng US Congressional delegation sa pangunguna ni US Senator Edward Markey si De Lima sa kanyang detention cell sa PNP custodial center sa Camp Crame nitong Biyernes,matapos na harangin ng PNP.
Gayunman,iniutos ni Presiding judges Abraham Joseph Alcantara ng Branch 204 at Romeo Buenaventura ng Branch 256 na bawal ang video o audio recording sa tatlong oras na pagbisita kay De Lima.
Inatasan rin ni Buenaventura na huwag magbigay ng komentong direkta o maging indirectly kaugnay sa kinasasangkutan niyang drug case
Magugunita na noong Huwebes ay hindi pinayagan ng PNP.ang ilang US Senators na mabisita ai De Lima dahil wala itong permiso mula sa Korte.
Ilang mahahalagang testigo rin ang nag-recant ng kanilang testimonya laban kay De Lima. (Anthony Quindoy)