Latest News

De baril na siga ng Tondo, arestado

TANGGAL ang tapang ng isang “siga” na naghamon ng away sa gitna ng kalsada habang armado ng baril matapos na dambahin ng mga tauhan ng Manila Police District,- Asuncion Police Cimmunity Precint, kamakalawa ng madaling araw sa Tondo,Maynila

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-PS 2 ang suspek na si Alover Garzola , nasa hustong gulang at residente ng Tondo.

Ayon kay PCpl.Richard Panaga , may hawak ng kaso, alas – 3:30 ng madaling araw nang makaramdam ng takot ang ilang residente sa lugar dahil sa paghahamon ng away ng suspek, habang may nakasukbit na baril sa bewang.

Isang concerned citizen ang nagtungo sa tanggapan ng Asuncion- PCP upang i-report ang pagwawala ng isang lalaki na palakad-lakad sa kahabaan ng Sto.Niño St.sa Tondo.

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar at nakita ang pagwawala ng suspek sa Moriones Street.

Nang makita ang paparating na mga unipormadong puiis , bigla itong naging maamong tupa na nakatayo at walang kaimik- imik.

Nilapitan ito ng mga awtoridad at nakita ang baril na 9MM na may anim na bala, kaya’t kaagad itong dinisarmahan at pinosasan.

Sinampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Illegal Possesion of Firearm and Ammunition at RO 844 ( Breach of Peace) sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read