Dead on the spot ang isang lalaking dayo,matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman, kamakalawa ng hapon sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Maynila.
Inilarawan ni PSSg Zoilo Nazario, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na nasa edad 40-45,may taas 5’7- 5’9,at kayumanggi.
Ayon sa imbestigasyon ,naganap ang insidente ala- 1:10 ng hapon matapos na.makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril si Benjamin Sendaya, barangay tanod sa nabanggit na lugar malapit sa Smokey Mountain. Nang tingnan, nakita niya ang biktima na nakabulagta at duguan ang ulo.
Walang nakakakilala sa biktima sa lugar at wala ring makapagbigay ng impormasyon sa pagkamatay at pagkakilanlan nito. (Arsenio Tan)