GINULANTANG ng magnitude 7.3 earthquake ang mga residente ng katimugang bahagi ng Davao Occidental kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang lindol bandang alas-2:06 ng hapon.
Sa ulat ng PHIVOCS natunton ang episentro ng lindol 352 km Timog Silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.
Lumilitaw na tectonic ang origin o pinagmulan ng paggalaw ng lupa na nasa lalim na 64 kilometro.
Habang sinusulat ang balita walang pang ibinabahaging ulat ang National Disaster Risk reduction Management Council o Office of Civil Defense.
Naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; General Santos City, Tupi, Santo Niño, Koronadal City, and T’Boli, South Cotabato.
Habang Instrumental Intensity 1 naman ang anramdaman sa Kidapawan City, Cotabato; Maitum and Maasim, Sarangani; Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla, and Norala, South Cotabato; Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nilinaw ng Phivolcs na asahan nang makararanas ng mga aftershocks sa mga apektadong lugar kasunod ng naturang pagyanig. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)