INAALAM ngayon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and detection Group (PNP-CIDG) ang totoong linya ng lalaking inaresto dahil sa pagtatangkang magpuslit ng mga baril sa loob mismo ng Camp Rafael Crame PNP National Headquarters sa Quezon City.
Nabatid na bukod sa mga baril ay nakitaan din ng iba’t- ibang Identification Card ang lalaking nagpakilalang isang dating pulis ng sitahin ito ng PNP Sentry.
Nabatid na nadiskubre na may mga baril na dala ang lalaki ng sitahin ito ng mga nakatalagang sentry on duty sa may Gate 2 ng kampo nang inspeksyunin ng mga police officers ang kanyang sasakyan na pumasok sa loob ng Camp Crame.
Lumantad sa pagrerekisa ng mga naka-duty na pulis sa trunk ng sasakyan ng suspek ang iba’t-ibang uri ng mga armas na dala-dala nito na kinabibilangan ng apat na shotgun, 11 handguns, at maraming rounds ng ammunition batay sa kanilang inventory.
Agad na dinala sa Headquarters Support Service office sa gate 1 ang suspek at sasakyan nito para sa kaukulang imbestigasyon bago tuluyang ipinasa sa PNP-CIDG.














