DATING PULIS-MAYNILA NA LIDER NG CRIMINAL GROUP, TIMBOG SA KABARO

Ni Itchie G. Cabayan

Timbog sa Manila Police District- Police Station 7 (MPD-PS 7) ang isang dating pulis-Maynila na diumano ay lider ng Criminal Group at ‘wanted’ sa kasong murder, kamakalawa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Angeles District Jail male dormitory sa Camp Tomas Pepito, Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga.


Kasalukuyang nakadetine sa MPD-PS7 ang suspek na si ex PCpl. Ricardo Razon,dating miyembro ng MPD at taga Sta. Cruz, Maynila.

Diumano, ang suspek ay lider ng criminal group sangkot sa gun for hire, illegal drugs, carnapping at robbery at nasibak aa serbisyo noong 2024 sa kasong malversation of public property matapos nitong isanla ang Galil Rifle ng kanyang kaklase.

Noong Agosto 2025 , naharang ito sa ‘hot pursuit operation’ ng Pampanga Police at HPG. matapos nitong pasukin ang isang sabungan sa San Fernando, Pampanga, kung saan doon siya nakulong at natunton naman ng MPD-PS7 nang.maglabas ang Malabon RTC ng arrest warrant sa kasong.murder na isinampa laban sa kanya.


Kinasuhan si Razon matapos nitong itumba ang isang lalaki dahil sa onsehan sa iligal na droga. Isinilbi ang arrest warrant sa suspek alas 5:45 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Sazmantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansantalang kalayaan ng suspek.




Dati umanong nakatalaga sa MPD-DDEU si Razon at naging asawa nito ang kanilang asset na ‘tulak’ hanggang sa maging sangkot na rin sa bentahan ng iligal na droga.#


Tags: Manila Police District -Police Station 7

You May Also Like

Most Read