Isang dating judge ang tinanggal sa pagka- abogado ng Supreme Court (SC) dahil umano sa ilang “transgressions,” kabilang ang ginawang panlilito sa isang respondent sa kasong estafa at paggamit ng “foul language” sa kanyang pleadings kung saan nagsabi pa ito na ang isang hukom. ay nagta-trabaho sa demonyo.
Gayundin, sinabi ng SC na si Caoibes ay nagno-notaryo ng dokumento kahit wala sa kanyang territorial jurisdiction, bigo na mag -comply sa mandatory continuing legal education requirements at nagamit ng ibang roll number sa kanyang pleadings.
Ayon sa SC,ito umano ay paglabag sa Lawyer’s Oath and Code of Professional Responsibility.
“All told, respondent has not proven himself worthy of the privilege bestowed upon him to practice law. Though the Court may temper penalties for infractions committed by members of the bar in view of their advanced age, the Court finds that the gravity of the infractions committed by the respondent in the present case and in previous cases warrant the penalty of disbarment,” ayon pa sa SC.
Nabatid na ang kaso ni Caoibes ay dinesisyunan noong Nobyembre 19, 2022 pero nitong Hulyo 14 lamang ipinost ng SC sa website.
Ang reklamo laban kay Caoibes ay isinampa ni Vivian Rubio, na nagsampa ng kasong estafa sa halagang P4,500.
Habang ang kaso ay nakabinbin, sumailalim sila sa mediation at sumang-ayon si Rubio na magbayad kay Caoibes ng halagang P200,000 para ma-dismiss ang kasong isinampa nito sa kanya at sa kanyang ina.
Gayinman, pagkatapos na magbayad si Rubio, tumanggi si Caoibes na lagdaan ang affidavit of desistance at sa halip ay pinalalagda si Rubio ng combined affidavits at ino-obliga siya na aminin ang pagkakamali, pero tumanggi si Rubio at hindi naman pina-dismiss ni Caoibes ang kaso laban sa kanya.
Hanggang sa ipaalam kay Rubio ni Caoibes na ang aspetong sibil lamang ang madi-dismiss at hindi ang aspetong criminal sa kasong estafa, kung saan ipinaalam ito ni Caoibes kay Rubio matapos niyang mabayaran nang buo ang napagkasunduan nilang halaga.
Sinabi ng SC na nag-demand si Caoibes kay Rubio na aminin ang kanyang kasalanan para maging dahilan ng settlement.
Naipakita ni Rubio sa SC na niloko siya ni Caoibes kung saan pinalabas nito na maibabasura ang kasong kriminal.
Nilabag rin ni Caoibes ang Code of Professional Responsibility sa pamamagitan ng paggamit ng ” derogatory” at “intemperate “language sa kanyang pleadings.
Inihalimbawa ang pagsasalita nito sa kanyang pleadings na ang isang judge ay nagta- trabaho sa demonyo, kung saan ang.korte ay naging instrumento umano umano ng’ falsehood’ at ‘injustice’ at isa pa, na ang judge ay umaasal nang parang isang diktador
“As a member of the Bar, respondent certainly has not only the right but also the obligation to criticize the actions of courts and judges using respectful and dignified language through legitimate channels. However, respondent did not simply criticize the judges in his pleadings in the case— he insulted them,” ayon pa sa SC
Napag-alaman rin ng SC na si Caoibes ay dati nang napatutsadahan sa kanyang asal bilang hukom ,kabilang na ang ginawa nitong pagsuntok sa kapwa judge at pag-contempt sa isang traffic officer na inatasan niyang magpunta sa korte matapos na mag -syu ng traffic violation receipt sa kanyang anak.














