Dating IBP officer, pina-disbar ng SC

Isang dating opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – South Cotabato at General Santos Chapter and ipina-disbar ng Supreme Court (SC) dahil sa pagkaka-sangkot sa isang pekeng desisyon ng isang annulment case.

Sa per curiam Decision ng Court En Banc inatasan rin ng SC na tanggalin ang respondent na si Atty. Remegio P. Rojas sa “Roll of Attorneys.”


Nag-ugat ang disbarment ni Rojas sa reklamo ni Jocelyn G. Bartolome na nag-akusa kay Rojas na lumabag sa Lawyer’s Oath and Rules 1.01, 7.03, at10.01, at Canon 15 ng CPR.

Sinabi ni Bartolome na kilala na niya si Rojas mula pa noong kanilang college days at muling nagkaroon ng ugnayan noong 2010 sa pamamagitan ng social media.

Nagkita umano sila ni Rojas para pag-usapan ang balak ng kanyang kapatid na si Jonas Guingab na naka-base sa Singapore na ipa-annul ang kasal nito.


Muli umanong nagkita si Rojas at Bartolome at pinag-usapan ang detalye ng kaso kung saan ibinida nito na.may kamag-anak.siyang Presiding Judge sa Cotobato at sa halagang P150,000.ay matatapos na ang kaso at magkakaroon na ng desisyon.

Nag -isyu umano ng checks.si Bartolome na nagkakahalaga ng P90,000 bilang advance na bayad umano sa hukom.at noong Enero 30,20211 ay nakatanggap ng tawag si Bartolome sa.kanyang bangko na humihiling ng kumpirmasyon sa encashment ng checks na kanyang inisyu .


Nangako naman umano si Rojas na ibababa na ang desisyon sa Disyembre 2011 at noong Pebrero 12, 2012 ay nagkita sila.ni Rojas sa Tomas Morato sa Quezon City at ibinigay sa kanya ang photo copy ng umano’y final decision ng annulment.

Noong Enero 2013 ay nag-update umano si Bartolome sa National Statistics
Office (NSO) para tanggapin ang “Annotation of Marriage,” pero nalaman ni Bartolome na nanatiling balido ang kasal ng kanyang kapatid.


Tinangka ni Bartolome na komprontahin si Rojas pero hindi na umano ito nakikipag-usap sa kanya at nang ipasuri sa kanyang pinsan na abogado ay napag-alaman nila na peke ang desisyon.

Noong Mayo 2014, nagpadala ng demand letter si Bartolome na isoli ang P90,000 kasama na ang interes at ibinalik naman umano ni Rojas ang pera noong Hulyo 2014.

Itinanggi naman ni Rojas ang alegasyon ni Bartolome at sinabi nito na siya ay naloko ng isang Muktar Santos na siyang nagsagawa ng proseso ng annulment case sa Cotabato Regional Trial Court.



Inirekomenda naman ng IBP Investigating Commissioner na si Rojas ay ma-disbar dahil sa pekeng court decision. Ini- adopt ng IBP Board of Governors ang rekomendasyon at ibinaba ang parusa sa pagsuspinde ng limang taon sa pag-practice ng Law.

Gayunman, sinabi ng SC na maaring mabigyan ng clemency si Rojas pero dapat muna umano niyang harapin ang ‘consequences’ sa ginawa niyang paglabag sa ‘Lawyers Oath’.

Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like