NANINIWALA ang Department of National Defense na wala namang implikasyon sa pambansang seguridad kung bibilhin ng isang US firm ang Hanjin, ang naluging Korean shipyard na nasa isang bahagi ng Subic.
“I don’t think there will be any implications on our national security. It will be the same as when Hanjin was operating it- building commercial ships,’ ani Defense Secretary Delfin lorenzana.
Magugunitang inirekomenda ni Sec Lorenzana sa gobyerno particular sa Philippine Navy na kunin o bilhin ang dating shipyard ng Hanjin para magamit na repair dock at Puerto ng malalaking naval assets ng Hukbong Dagat.
Ayon sa kalihim , okupahan din ng Phil Navy ang northern portion ng shipyard para maging home port ng kanilang mga frigates at iba pang malalaking barko.
Sa ibinahagi umanong impormasyon ng trustee ng nasabing pasilidad, isang US private equity firm na Cerberus ang magbabayad ng $300 million para sa Hanjin Subic Shipyard.
Nilinaw din ni Sec Lorenzana na wala siyang kinalaman sa negosasyon hinggil sa naluging shipyard. ”I don’t know the financial transactions regarding the Hanjin shipyard. It is the Dept of Finance who is working on it in coordination with the creditor banks. I recommended that the government take over or buy the shipyard if there we’re no buyers to save the shipyard from going into disrepair and generate jobs.
Bagamat una ng inihayag ng kalihim na dahil strategically located ang shipyard papasok at papalabas ng South China Sea ay may national security concern dito, Bukod pa ito sa pangambang mapasakamay ng state-run firms mula China.
Sinasabing may walong foreign companies ang interesadong makuha ang shipyard, kabilang ang dalawang Chinese firms.
Ang shipyard, na pinapatakbo ng Hanjin Philippines at may 20 libong empleyado ay sinasabing ay pagkaka utang na umaabot sa $1.3 billion nuong 2019.
Sinasabing may $412 million pagkakautang ang Hanjin sa mga malalaking banko sa Pilipinas bukod samga foreign creditors. (VICTOR BALDEMOR)