ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner George Erwin Garcia bilang bagong chairman ng poll body.
Iinumite ng Malacanang sa Commission on Appointments ang sulat na may petsang Hulyo 22 para sa kumpirmasyon sa ‘ad interim’ appointment kay Garcia bilang Chairman ng Comelec.
May termino ito hanggang Pebrero 2, 2029 at hahalili kay dating chairman Saidamen Pangarungan.
Matatandaan na noong Hunyo, inisnab ng CA ang kaniyang appointment kasama sina Pangarungan, at dati ring Comelec commissioner Aimee Torrefranca-Neri.
Ito ay makaraan ang matagumpay na 2022 National and Local Elections kung saan nagwagi si Marcos bilang Pangulo.
Sinabi noon ni Garcia na pipiliin pa rin niya ang Comelec na kaniyang pagsisilbihan kung bibigyan siya muli ng pagkakataon na makapagserbisyo sa pamahalaan. (Anthony Quindoy)














