Dating CBCP President, pumanaw na

By: Philip Reyes

Pumanaw na ang dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si dating Davao Archbishop Fernando Capalla.

Ayon sa ulat ng CBCP, dakong ala-1:38 ng madaling araw nitong Sabado nang bawian ng buhay si Capalla sa Davao City, sa edad na 89.


Ang malungkot na balita ay kinumpirma naman ni CBCP President at incumbent Davao archbishop Romulo Valles.

Si Capalla ay namatay, apat na araw lamang matapos na bawian rin ng buhay si Bishop Ronald Lunas ng Diocese of Pagadian, sa isang pagamutan sa Davao, bunsod ng kumplikasyon sa pinagdaanang heart bypass surgery.

Siya ay kilala bilang isang peace advocate sa Mindanao at nagsilbi bilang pangulo ng CBCP mula 2003 hanggang 2005.


Tags: Archbishop Fernando Capalla

You May Also Like