Iginiit ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na hindi niya pinilit si dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos na tumestigo laban kay dating asenador Leila de Lima, kaugnay sa kalakalan ngbiligal na droga sa National Bilibid Prison(NBP).
Si Aguirre,ay dumating sa DOJ pasado alas 12 ng tanghali ,bitbit ang “video evidence” na magpapatunay na hindi niya pinilit si Ragis na magbigay ng testomonya laban kay de Lima.
“Bago siya pumunta ng Amerika,sinabiya na pinilit ko siya magbigay ng testimonya, puro,kasinungalingan at walang katotohanan,ngayon nabalitaan ko na inulit niya(Ragos) yung kanyang kasinungalingan ng magtestify siya Muntinlupa court,”ayon kay Aguirre.
Unang binawi ni Ragos ang kanyang testimonya sa Muntinlupa RTC laban kay de Lima at iginiit na pinilit na magbigay ng testimonya laban kay de Lima kaugnay sa pagkakasangjot nito sa kalakaran ng iligal na droga sa NBP.
Pinayagan naman ng korte si Ragos na mag testify sa korte at i-recant ang kanyang testimonya laban kay de Lima noong Oktubre 18,2022.
Si Aguirre ay nakipagkita kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa DOJ. (Anthony Quindoy)














