Latest News

DATING BARANGAY CHAIRMAN NA WANTED SA RAPE INARESTO NG MPD

By: Baby Cuevas

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District -District Police Intelligence and Operations Unit(MPD-DPIOU) ang isang dating Barangay Chairman na diumano ay wanted sa dalawang count ng statutory rape.

Arestado sa isinagawang operasyon kamakalawa ng hapon sa Northbound ng NLEX Tollgate, Tabang Exit ang suspek na si Bryan Valdez,44, ng No. 217 Mercedez Village, Brgy Sampaloc 1, Dasmatlriñas, Cavite. Siya ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Michaele Vito ng Regional Trial Court 4TH Judicial Region Br. 172- Gumaca, Quezon na may petsang Agosto 21,2024.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na diumano ay nasa Top 3 Provincial Most Wanted Person Ng Quezon PPO dahil sa dalawang beses na panggagahasa sa isang menor de edad.


Nabatid Kay PLt.Col John Guiagui, OIC ng DPIOU, na alas- 2:05 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng MPD ang suspek nang huminto sa tollgate ang sasakyan nito.

Ayon kay Guiagui, pansamantalang nakapiit sa MPD Custodial Facility ang suspek na nakatakda iharap sa korte sa Quezon.


Tags: Manila Police District - District Police Intelligence and Operations Unit(MPD-DPIOU)

You May Also Like

Most Read