Latest News

DATING AFP CHIEF AT SENADOR, PUMANAW NA

By: Victor Baldemor Ruiz

TULUYAN nang lumaya sa kanyang iniindang karamdaman si dating Chief of Staff Armed Forces of the Philippines at naging mabababatas former Senator Rodolfo Gaspar Biazon kahapon ng umaga kasabay sa pagdiriwang ng ika-125 Independence Day.

Agad na nagpahayag ng kanilang pakikisimpatiya at pakikidalamhati ang pamunuan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippine na minsan ding pinamunuan ni Senator Biazon.


Pumanaw ang dating Philippine Marine officer na naging AFP Chief of Staff, senador at kongresista bandang alas 8:30 ng kahapon ng umaga Araw ng Kalayaan, base sa kumpirmasyon ibinahagi ng anak nitong si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

Ayon kay Biazon, mistulang nagkataon na pumanaw ang kanyang ama ngayong 125th Independence Day ng Pilipinas kung saan naging malaya na sa anumang sakit ang dating sundalong inialay ang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng bansa.

Si Biazon ay na-diagnose ng sakit ng lung cancer noong July 2022 at sumailalim sa treatment pero ngayong taon ay tinamaan ang dating AFP chief ng sakit na pneumoniana ng dalawang beses.


“Throughout his decades-long service to the Filipino nation, Sen. Biazon embodied patriotism, integrity, and commitment to the protection of the country’s freedom and its democratic institutions. Sen. Biazon leaves a legacy worthy of emulation by current and future generations of Filipinos. May God grant him eternal rest, “pahayag ng Defense Department.


Tags: Senator Rodolfo Gaspar Biazon

You May Also Like