Itinanggi ng World Health Organization (WHO) ang posibleng data breach sa na- hack na website ng COVID-19 vaccination data.
“WHO does not collect, process or store any personally identifiable information (for example, names, email addresses, phone numbers, etc.) in relation to COVID-19 immunization. During the COVID-19 pandemic, “ayon sa Department of Health (DOH).
Ipinaliwanag ng DOH naang kinokolekta lamang ng WHO sa mga national health authorities sa iba’t-ibang panig ng mundo ay ang mga datos na may kinalaman sa bilang ng populasyon gaya halimbawa ng kabuuang bilang ng COVID-19 infections, deaths at vaccine doses na naipamahagi na ng mga bansa.
Ito umano ay mahalaga sa monitoring progress ng COVID-19 vaccination efforts nationally at globally.
Wala rin umanong access ang WHO sa personal data na nananatiling ekslusibong pag–aari ng mga gobyerno.
“Reports that a data breach linked to WHO or WHO-hosted databases has occurred are false and inaccurate, ” ayon pa sa DOH.
Gayundin, sumusunod ang WHO sa personal data protection na ipinatutupad ng United Nations Principles sa Personal Data Protection and Privacy.














