Sina Manila Mayor Honey Lacuna at bagong Congress speaker Atty. Princess Abante sa isang masayang okasyon sa Manila City Hall.

‘DASURV!!!’ — MAYOR HONEY SA APPOINTMENT NI ATTY. ABANTE BILANG HOUSE SPOKESPERSON

By: Jerry S. Tan

Nagpahayag ng labis na kasiyahan at ‘pride’ si Manila Mayor Honey Lacuna sa pagkakatalaga sa kanyang spokesperson at public information officer, Atty. Princess Abante, bilang bagong tagapagsalita ng House of Representatives.

“I am so happy for her. Dasurv!!!,” ani Lacuna, kasabay ng pagsasabi na si Abante ay nagbigay ng de kalidad na serbisyong higit pa sa inaasahan sa kanya bilang spokesperson ng mayora at pinuno ng Manila Public Information Office (MPIO).


Maipagmamalaki umano na ang pagkakatalaga ng isang gaya ni Abante sa posisyon ay kauna-unahan sa mga nakalipas na taon.

Kumpiyansa umano si Lacuna na magagampanan ni Abante nang buong husay ang kanyang bagong papel sa Kongreso dahil umano sa taglay nitong ‘professionalism, integrity and work ethic traits.”

Sa personal na aspeto ay inilarawan naman ni Lacuna si Abante bilang isang tapat na kaibigan na nariyan sa iyong tabi lalo na sa mga panahong kailangan.


Ani Lacuna, maayos na nagsabi sa kanya si Abante ukol sa bago nitong appointment sa Kamara.

“I wished her well and thanked her for her selfless dedication both as my spokesperson and public information officer,” pahayag pa ni Lacuna.


Si Atty. Abante ay nagsilbi din bilang Manila Councilor sa ikaanim na distrito mula 2013 hanggang 2022, kung saan siya ay chairperson ng Committee on Education.

Siya din ang principal author ng ordinansang nagbibigay ng allowances sa public school senior high school students sa Maynila, pati na din sa mga mag-aaral ng Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.


Siya ay anak ni Manila Councilor Benny Abante (6th district).

Tags: Atty. Princess Abante, Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read

Latest News